top of page
BLOATED
NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS
MAHALAGANG PAALALA: ANG FIBERHEALTH AY HINDI GAMOT AT HINDI DAPAT GAMITING PANGGAMOT SA ANUMANG URI NG SAKIT
Other Information about BLOATING
BLOATED - Kapag tayo ay nakadarama ng pamamaga o pana-panahong pamumulikat ng ating tiyan, kadalasan nang tinatawag natin itong pagiging “Bloated”.
Isang survey ang nagpapakita na ang pagiging bloated ay napaka karaniwan anupa’t nararanasan ito kahit ng malulusog na tao. Ang pakiramdam ng pamamaga ng tiyan ay epekto ng labis na dami ng magkakasamang solido, likido at hangin sa loob ng digestive system.
Ano ang ilang karaniwang sanhi ng pagiging bloated? Pagkain ng sobrang dami sa isang kainan. Matatabang pagkain, at carbonated na inumin tulad ng soft drinks. Ang abalang pamumuhay at hindi mahusay na gawi sa pagkain ang dahilan kung bakit marami ang nagiging bloated.
Ipinapakita lamang nito na pagdating sa ating kakayahan sa panunaw, napakahalaga na maging pala-isip hindi lang kung ano ang ating kakainin kundi kung paano natin ito kinakain. Bagaman karaniwan ang pagiging bloated, maaari itong mabawasan o matanggal.
Ang isang mungkahi na ibinibigay ng mga eksperto ay ang pagkonsumo ng sapat na Probiotics. Ang mga probiotics ay kilala rin bilang good live bacteria dahil tinutulungan nila na mapaganda ang kalusugan ng ating digestive system.
Ang ating katawan ay puno ng bakterya kaya ang balanse sa pagitan ng "good" at "bad" bacteria ay napakahalaga para sa ating katawan na gumana nang maayos.
Ang Fiberhealth ay isang napakahusay na mapagkukunan ng probiotics na makakatulong sa iyong digestive system at mas mapahuhusay nito ang pag-absorb ng nutrisyon sa iyong katawan.
Malaking abala ang pagiging bloated, Subukan ang FiberHealth upang masapatan ang probiotics na kailangan ng iyong katawan.
bottom of page