top of page
CONSTIPATION
NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS
MAHALAGANG PAALALA: ANG FIBERHEALTH AY HINDI GAMOT AT HINDI DAPAT GAMITING PANGGAMOT SA ANUMANG URI NG SAKIT
Other Information about Constipation
CONSTIPATION - Sira ang araw mo kapag hirap ka sa pagdumi. Nadarama mo na bloated ka at may paminsan-minsang pananakit at paninigas ng tiyan. Ito kaya ay constipation? Ang mga sintomas ng pagiging constipated ay na kakaunting dumi ang iyong inilalabas kaysa dati, nahihirapan ka rin dahil sa hindi regular na tigas nito. Bagaman normal lang na madama natin ito paminsan-minsan, marami sa mga tao ang nakakaranas nito nang mas madalas at matagalan.
Nakaaapekto na ito sa kanilang pagiging produktibo sa trabaho at iba pang gawain. Hindi alam ng karamihan na kapag may sapat na fiber ka sa katawan ay maaring mapaginhawa nito ang constipation anupa’t maaari pa nga itong maiwasan.
Ang uri ng fiber na tinatawag na soluble fiber ay tumutulong upang mapanatili ang tubig sa ating dumi upang ito ay maging malambot at madaling ilabas. Samantalang ang insoluble fiber naman dumadagdag sa ating dumi upang mapabilis nito ang pagdaan sa ating bituka.
Katunayan ito na kapag may sapat na fiber sa ating bituka, regular at mas madali ang ating pagdumi. Inirerekomenda ng mga pag-aaral na sa araw-araw, kailangan nating kumonsumo ng 25 – 35 grams ng fiber.
Ang mga mani, beans at buto ay mahusay na mapagkukunan ng fiber.
Mayroon ding mga food supplements na makakatulong sa iyo na makuha ang sapat na fiber na kailangan mo sa maghapon. Fiberhealth ang produktong tutulong sa iyo na matiyak na sapat ang fiber sa iyong bituka.
Sa araw-araw na pag-take mo nito, makatutulong ito na maiwasan ang constipation at mas mapahuhusay nito ang iyong panunaw. Huwag mong hayaang sirain ng constipation ang araw mo!
Ang FiberHealth ang kasangga mo para mas maging produktibo.
​
bottom of page